Pag nag-away ang mag-nobyo or mag-asawa, nakarinig na ba kayo na ang isa sa kanila ay magsasabi,
“Sinira mo ang buhay ko!”
“Winasak mo ang future ko!”
”You are my frustration!”
or other variants.
Ang drama ano, parang tele-nobela sa sine or tv, hehehe. Ganito tingin ko dyan.
Kapag ang isang tao ay hindi naman nakakulong, may kalayaan maglakad kung saan nya gusto pumunta, may kalayaan mag-isip, either malungkot or masayang bagay, may kalayaan mag-facebook, may kalayaan magtrabaho or manatili sa bahay, etc., ang taong yan ang may control sa kanyang buhay. Kung papayag sya na masira or umunlad ang buhay nya, sa kanya yon. So theoretically, imposible ang kasabihang ”sinira mo ang buhay ko!”
(Ang bigat ng dinadala ko! :-) Picture ko nang una ako napunta ng NYC, May 2004)
Ngayon, kapag ang isang tao ay pinilit uminom ng druga, paulit-ulit, hanggang maging drug addict, ibig sabihon may external coercion sa buhay nya, ang kasabihang “sinira mo ang buhay ko” ay tama, di po ba?
Kapag self-inflicted ang kalungkutan or kahungkagan na buhay ng isang tao, madali kasi magturo ng sisisihin, to blame somebody else, kaya nauso yang “sinira mo ang buhay ko.” Kumbaga eh, “c/o” or pinapasa ang sisi sa ibang tao. Pwede rin may topak yong tao kaya naninisi ng iba.
Kapag naman masaya ang buhay ng isang tao, may naririnig ba tayo na
“Pinasaya mo ang buhay ko”
“Pinaganda mo ang future ko”
or other variants.
Meron din, paminsan-minsan. Pero ganon din ang sitwasyon nyan sa itaas. Ang indibidwal mismo ang nagpapasaya sa buhay nya, siguro natutulungan lang ng ibang tao, kaya lalong sumaya. More is preferred to less, di ba?
Maulan kasi at madilim masyado ang langit dahil kay bagyong si Egay, kaya kung ano-ano naisusulat ko, hahaha. Olrayt!
Nirereview ko Sir mga articles niyo from 2005 and then I stumbled with this one. Ok pala pag maulan.
ReplyDelete