Pages

Tuesday, November 15, 2011

Pol. Ideology 22: Diskurso sa Kapitalismo, Sosyalismo at Gobyerno

Or a Discourse on Capitalism, Socialism and Government.

The bulk of this blog's readers are from the US, Philippines, UK, Canada and Germany, in that order. Thus I write in English most of the time. But for this article, the exchanges are done mostly in Filipino language. This is my exchange of ideas with Arcy Garcia in his facebook wall. Arcy is a friend way back in the 80s in BISIG when I was still a socialist. I've abandoned socialism and Marxism since the 90s but Arcy remains a steadfast socialist, someone I would consider as a true-bloodied socialist who, unlike many other socialists and ideologues, has deep tolerance and respect even for opposing views, and does not believe in violence to advance the socialist agenda.

Arcy gave me permission to post here our exchanges - thanks Arcy. Here we go.
------


P1.3B raw ang kinita ni Pacman sa laban kanina...isang mahabang putok sa taas ng kilay ang parusa sa kanya....(may pambili na naman siya ng isang mall. (P215M ang kay Marquez, may pambili na naman siya ng hammer)..yan ang kapitalismo. magkano kaya kinita ni Arum? ang tagapagpagalaw ng mga manika.

  • Nonoy Oplas yan ang isang kagandahan ng kapitalismo. Di mo kailangang maging Ayala or Henry Sy para yumaman at sumikat, pwede kang maging pacquiao or si Schumacher or Mike Jordan or maski Phil Younghusband lang. Heto, mga super-rich athletes,http://funwithgovernment.blogspot.com/2011/06/roger-federer-manny-pacquiao-and-free.html

    funwithgovernment.blogspot.com
    FB exchange between Bonn, Nonoy, and Kissy, 18 June 2011Bonn JuegoWhew! It's som...See More

    Yesterday at 6:12am ·  · 

  • Arcy Garcia hindi sila dapat kumikita nang ganyang kalaki tol. ang sistemang nag-aanak ng ganitong kalaking biglang yaman ay artipisyal-tulad ng mga manlalaro natin sa PBA- na sinasahuran habang pinahihirapan naman ng mga kumpanya ang mga mangagagwa nila sa mababang sahod. o ng ateneo, si Norman Black, galing sa tuition fee ng mga estudyante.
    Yesterday at 12:37pm · 

  • Nonoy Oplas ok lang kung "artipisyal" basta galing sa pinaghirapan, hindi pinagnakawan. Sa gobyerno na gustong kontrolin ang kapitalismo kuno, kaya kaliwa-kanan ang regulations and taxation, subsidies and welfarism kuno, sila ang yumayaman nang di man lang nababaliaan ang katawan (tulad ng mga boksingero, basketbolista, etc.) o kaya namamatay sa sports (cycling, F1, Nascar, etc.).
    Yesterday at 2:10pm · 

  • Arcy Garcia hindi comensurate ang hirap at prakrtis sa kita tol. isang ordinaryong manggagawa sa isang kontrakteor ng manila water- P200 isang araw, sa kanya pa ang piko. si Pacman, 4 na linggo ng jogging, boksing, disiplina sa pagkain, etc. hindi naman matatawaran ito. pagod at hirap din ito- pero para kumita ng P1.3 bilyon (sabihin nating mga kalahating bilyon dahil pambayad niya kay Roach, trainers, etc., etc ang iba- hindi pa rin commensurate. hindi makatarungan.) dito ang crux ng isyu- hindi fair na pagsusukli sa hirap at pagod ng bawat isa- manager ng bangko- tama- mahirap di yan. reesponsibilidad- pati sa pagtulog, dala mo ang pag-aalala; pero hindi naman cguro tulad ng sahod ng mga CEO ng BA at Goldman Sacchs ang sahod at kita kasama ng santambak na perks.

    Yesterday at 2:16pm ·  ·  1





  • Nonoy Oplas eh kung makita mo sweldo ng mga UN, WB, IMF, ADB, etc Pinoy consultants, baka malula ka -- $10,000 to $30,000 per month, tax free. Hindi nababaliaan, hindi nagbabayad ng buwis, tax free mga mamahaling kotse ini import, frequent travels all expenses paid on top of salaries, etc. These are the guys who advocate global economic and social planning, soft type of global socialism
    Yesterday at 2:26pm ·  ·  1

  • Arcy Garcia tama ka diyan. ako rin laban diyan. kaya hindi sila nakakatulong sa pagsoslusyon sa kahirapan, kasi yang mga taga UN, WB, ADB, etc- tindi ng mga kita- kaya ang lifestyle- malayo sa mahirap- paano makakatuylong sa mahirap eh habang pinag-uusapan ang poverty, nasa magarang hotel, sa mamahaling restorant at kumakain ng sawsawan ng mga ruso.
    Yesterday at 2:31pm ·  ·  1

  • Nonoy Oplas but these are the guys whose existence, salaries and perks are based or grounded, 100%, on "fighting poverty", so kita mo ang hypocrisy. Si Pacquiao, kaliwa-kanan ang natutulungan yata nyan. Saka pag binilang mo ang ilang mga Pinoy boksingero na nag-ambisyon maging kasing sikat at kasing yaman ni pacquiao -- mga nabalian ng buto, nabagok ang utak, napilayan ng kamay or paa sa praktis at running, etc., malulula ka rin. Kaya hindi basta-basta ang naabot ni pacquiao.

    Yesterday at 2:36pm · 

  • Arcy Garcia kasi, ang UN, ADB at WB- mga likha ng kapitalismo-kaya ang general perspective- pagpapa-unlad ng sistemang kapitalismo rin- ang "fighting poverty" programs ay facade lamang. pinakamaunlad na sistema ng kabuhayan ang kapitalismo, so far, kaya marami itong mga anak at kamag-anak na sa ibabaw ay parang iba ang layunin, ngunit kapag sinuring mabuti- hindi nalalayo sa pangkalahatang layunin ng kapitalismo- ang kumita nang kumita-

    Yesterday at 2:45pm · 

  • Nonoy Oplas Mali Arcy. Ang UN, ADB, WB, IMF, USAID, etc. ay likha LAHAT ng mga gobyerno. Lahat ng mga top officials doon ay appointed ng mga gobyerno ng mga member-countries, wala ni isa sa kanila na galing sa mga korporasyon.
    Yesterday at 3:07pm · 

  • Arcy Garcia tama ka pero alam mo naman yan. nung itinayo ng mga bansa, lalo na ng US ang UN- ang layon naman nito ay palawakin ang sakop ng lib dem- (na pwede ring sabihing- classical capitalism); ganun din ang USAID, ADB, etc; di ba, pag sinuri nain ang pagtatatag ng WB sa bretton woods, kapitalista at korporasyon, at kapitalismo ang namumutiktik na salita ng mga naroroon;
    3 hours ago · 

  • Arcy Garcia kaya ang mga ina-appoint na mga tagapamahala ng mga gobyerno sa mga institusyong ito, mga isip kapitalista at karamihan ay mga nagsipaglingkod nang mabisa sa mga korporasyon.
    3 hours ago · 

  • Nonoy Oplas Mali ulit Arcy. Karamihan sa mga nakaupo sa UN,WB, ADB, IMF, etc. ay halos zero background sa corporate world. Karamihan sa kanila galing sa mga national govt agencies like NEDA, central bank, DTI, etc., o kaya from the academe, tapos nagsawa, lilipat sa WB-Manila, or UNDP, ILO, etc Manila office, mapo-promote, sa regional office, until mapunta sa NY or DC HQ. Kaya pag mag isip sila, parang govt bureaucrats din -- regulate here, regulate there, tax here, subsidize there.

    about an hour ago · 

  • Arcy Garcia na nagsipag-aral sa mga business schools na kapitalismo ang tinuturo. tignan mo c Leung, nasa WB na. dating finance natin. kasi- isip kapitalista.
    about an hour ago · 

  • Nonoy Oplas karamihan sa kanina mga economists, hindi MBA or management courses. Si Leung halos zero corporate experience yan, ganon din sila Gerry Sicat (formerly with UP, then NEDA, then WB, then back to UP, then WB/UN)
    about an hour ago · 

  • Arcy Garcia technocrats nga eh. na malapit sa business. isa lang naman ang turo sa business eh- kapitalismo.
    about an hour ago · 

  • Arcy Garcia kahit nga economics, kapitalismo lang tinturo. kaya pag-graduate- kapitalista rin isip. hindi community development- dapat kasi ang economics, ang dulo- well being ng community. hindi ganun ang kapitalismo- laging growth, profit, etc.
    about an hour ago · 

  • Nonoy Oplas Iba utak ng purong kapitalista Arcy, kung pwede lang 1 lang ang buwis, abolish na lahat. At kung pwede lang wala nang business regulations, SRO (self-regulating orgs) lang lahat. Sa gobyerno, baligtad. Regulate kaliwa-kanan, tax-fes-fines kaliwa-kanan,




    Sa Econ din, mas marami sa topics pro-socialist ang tinuturo. Like need for govt to ensure social equity, welfare econ, etc. Sino nag-design ng CCT for instance, lawyers or engineers or MBA people? nope, they're economists. Mas kaibigan pa nga ng sosyalismo ang maraming economists kesa kapitalismo

    about an hour ago · 

  • Arcy Garcia problema ko diyan tol, yan naman ang kaluluwa ng laizze faire- sa nature ng tao- pag nakaipon ng yaman at kapangyarihan (kahit wala sa pulitika), madali nang umabuso-at gamitin iyon sa kanyang sariling kapakanan. at walang pakundagan, anuman mangyari sa iba- lalo na sa mahirap.
    about an hour ago · 

  • Arcy Garcia mahirap walang regulations- sa dami natin- simpleng traffic, kailangan ang regulations- tignan mo nangyari sa financial crisis- dahil halos hindi naregulate- pati hindi pwedeng ibenta, ibinenta- ayun.. nagkandalugi. tapos, hihinging magpa salo sa gobyerno.
    about an hour ago · 

  • Nonoy Oplas kaya nga sa gobyerno, the bigger the govt, the closer to socialism, not to capitalism. Dito nga sa makati, renovate mo lang opisina mo, bawal na, unless you get a permit to renovate from city hall. Pag tapos na renovation, bawal pa rin gamit ulit, kelangan pa permit to occupy. Tama ba yon, kaliwa-kanan na regulasyon at prohibition.
    about an hour ago · 

  • Arcy Garcia ah oo. tingin ko sobra naman yan.maraming ganyang local government. ang nasa isip lang naman niyan eh dagdag na buwis. kita rin.
    about an hour ago · 

  • Arcy Garcia principle of subsidiarity dapat ang gabay sa ganyan. yng kaya anng gawin, dapat hayaan nang gawin ito. mula household, homeowners assoc-, barangay. local govt, tapos national.
    about an hour ago · 

  • Nonoy Oplas pag pumapel gobyerno, multilateral or national or local, pare-pareho ang resulta, abuso. Dito rin sa makati, dapat daw car pooling, take public transpo daw, pero ang daming bawal tumawid, bawal magsakay dito, bawal magbaba doon, madaming bawal, madaming regulasyon.




    Nasubukan mo na magtayo ng maliit na negosyo? Hal. barber shop or internet shop or bakeshop, etc. Bilang maliit na kapitalista, ang kalaban mo hindi mga unyon or manggagawa or malalaking negosyante or bangko, kundi gobyerno, kaliwa-kanan na regulasyon at buwis, di ka pa nagsisimula nyan ha. Pag nagsimula ka na, ibang klaseng regulasyon at buwis na naman. Ang layo sa kapitalismo, mas malapit sa sosyalismo, kasi parang galit pag kumita or tumubo ang tao

    about an hour ago · 

  • Nonoy Oplas Good that you pointed out the principle of subsidiarity. It says those that can be done by the smallest social unit, give it to them. The smallest social unit is the individual, the households. If healthcare can be done by households via preventive and healthy lifestyle, then govt spending, national or local, should be drastically cut. Hindi pwedeng inom ng inom, yosi ng yosi, kain ng kain, at pagtabaan or nagkasakita, tatakbo sa gobyerno.

    58 minutes ago · 

  • Arcy Garcia oo. ganyan na rin sa katipunan. hindi na pang-pedestrian. pang sasakyan na ang buong kahabaan ng katipunan. wala kang matawiran. ang lalayo.
    58 minutes ago · 

  • Arcy Garcia oo. tama ka. agree ako sa yo dioyan. anumang kayang gawin ng indibidwal- ok. ng household, dapat hayaan din-hanggang sa international.
    57 minutes ago · 

  • Arcy Garcia kaya nga mga batas natin sobra sobra. kaya ang hahaba at hindi na amainrtindihan ng simpleng tao. kasi lahat nakasulat. hindi naman kailangan.
    56 minutes ago · 

  • Nonoy Oplas kaya peligroso lumaki ang gobyerno, mga mindless bureaucrats ang papasok. Puro bawal, puro buwis, puro regulasyon ang alam nila.
    56 minutes ago · 



  • Arcy Garcia cge bro. ingat. kita tayuo minsan. sa akin seryosdong message ang individual freedom and responsibility. tama ka diyan. sanib ako ddiyan. anumang societal system dapat batayan yan.
    49 minutes ago · 

  • Nonoy Oplas 




    sige, pag patuloy pa natin...

    Ang tunay na kapitalismo na free market ay sa HK. Doon, lapit ka sa gobyerno, pa-register ka ng negosyo mo, ke internet shop or food shop or spa, etc. Sabihin ng gobyerno, "give me these papers today, if they 
    are complete, you can start business tomorrow." Walang imbestigasyon kung saan lokasyon mo, brgy clearance, etc. Pag may nagreklamo, doon ka yari sa gobyerno. Yon ang magandang division of labor between capitalism and govt regulations

    47 minutes ago · 

  • Nonoy Oplas Sa individual freedom and personal responsibility, walang tatalo sa argumento dyan. Sa gobyerno, ayaw nila, gusto nila more govt responsibility, less personal responsibility, mali. Maski palainom ka at nabutas bituka mo sa inom, sasabihin ng gobyerno, "we will give you subsidized or free healthcare, then we will impose new taxes elsewhere, or we will raise existing taxes", mali di ba?
    45 minutes ago · 

  • Arcy Garcia bagman alam mo, sa dulo, ang personal responsibility- hindi malelegislate- parang sex. kaya nga bahagi ito ng values formation- dapat ng mga eskwelahan, ng mga simbahan, at iba pang insitusyong educational in nature.
    13 minutes ago · 

  • Nonoy Oplas Yep, at mas bagay ang magturo ng personal responsibility ay mga magulang or guardians (parental and guardian responsibility), at hindi gobyerno. Kaya mahalaga ang papel ng civil society. Ka-diskurso ko nga kanina mga friends naman ni Ed dela Torre sa fb, about the "role of civil society." Tanong ko sa kanila, "Are civil society organizations to promote more citizen self-reliance and away from state reliance, or just demanding only good governance but promoting more state reliance?"

    9 minutes ago · 

  • Arcy Garcia marami akong naririnig na maganda sa Hongkong mula sa mga dh/ohw natin. alam mo bang maramisa kanila ang may cancer. at ayaw nilang umuwi dito dahil doon, anumang gawin sa kanila sa ospital, magbabayad lang daw sila ng HK$100- oks na. kahit anong procedure... kwento yan ng mga kasapi ng BUHAY-KA na samahan ng mga cancer survivors at supporters na naitatag sa tulong ni Fr. Robert.
    7 minutes ago · 

  • Arcy Garcia ang daming civil society groups, ang ka-trabaho gobyerno. hindi mo na makita ang kaibahan. gobyerno ba sila o non-government?
    7 minutes ago · 

  • Nonoy Oplas Hindi na sila NGOs kundi GFOs, government-funded organizations. Corrupted na ang konsepto nila ng civil society dahil ang end-goal nila ay maupo sa gobyerno or impluwensyado sa pakialamerong gobyerno.
    5 minutes ago · 




  • Arcy Garcia 

    sa toto bro, mewdyo uncofortable na rin ako sa taguring "sosyalismo" o sosyalista. bagaman hindi pa rin ako mahihiyang tawaging kristiyanong -sosyalista; pero mas nakakiling ako sa mga terms na restorative economics, green economics, comunitarian economics kaysa sa soscialist economics; baghaman naniniwala pa rin ako na malaki ang papel dapat ng gobyerno sa pagsisikap na disiplinahin ang ibang mga institusyon (kasama na ang goyerno), na ang dapat pangunahing layon ng mga ito ay ang kabutihan ng nakararami, at ang pangangalaga sa tamang pakikipag-ugnay nating mga tao sa buong sangnilkha;

    12 minutes ago · 

  • Arcy Garcia ang problema ko sa mga sosyalista ngayon, hindi pa rin nila nakikita ang batayang salalayan na ang kalikasan ay hindi kapital (tulad din ng pagtingin ng kapitalismo) kundi isang tahanang kailangan nating makipag-ugnay nang makatarugan, mapaggalang, at hindi utilitarian;
    10 minutes ago · 

  • Nonoy Oplas 

    Ako naman, hindi ako naniniwala sa welfarist or distributive function ng gobyerno. May mga tao talaga na halos walang ambisyon, makainom lang araw araw, ayos na. May trabaho nga, mapagsabihan lang ng boss nila, or mabigyan ng medyo mabigatna trabaho, magtatampo at magre resign agad. Dapat sila talaga maghirap, bakit sila tutulungan ng gobyerno kung ayaw nila tulungan sarili nila?

    At may mga tao naman na sobra ang sipag at tyaga. Sila Bill Gates nga, hindi nagtapos ng kolehiyo, pero sa sobrang sipag at malikhain (innovative), umunlad ng husto ang buhay. Ang ginagawa ng gobyerno, kumompiska ng napakaraming buwis sa mga maunlad ang buhay na para bang sinasabi na kriminal ang maging mayaman.

    Ang tamang papel ng gobyerno, ke sosyalista o kapitalistang sistema, ay patuparin ang mga batas na walang exemption, rule of law. The law applies equally to unequal people. No one is exempted from the law, and no one can grant exemption from the law. Kaya ang batas kontra pagnanakaw, kontra murder, kontra rape, kontra extortion, kontra U-turn, etc., dapat mag apply sa lahat, governors and governed, administrators and administered, kings or Presidents and ordinary citizens.

    2 minutes ago · 

See also:
Pol. Ideology 16: Liberalism and Social Opportunity, July 29, 2010 
Pol. Ideology 17: The LP and the Philippine President, November 03, 2010
Pol. Ideology 18: John Lennon and Liberty, Purpose of the Law, December 15, 2010
Pol. Ideology 19: What is the Role of Government?, March 08, 2011
Pol. Ideology 20: Liberalism and the Squatters, May 17, 2011
Pol. Ideology 21: The Nature of Government, November 14, 2011

No comments:

Post a Comment