Pages

Saturday, May 05, 2012

Labor Econ 6: Labor Rights and Employee Forever

This is my article today in the online magazine,
http://www.thelobbyist.biz/perspectives/less-gorvernment/1305-labor-rights-and-employee-forever.
Below the article is a long comment from a friend, Arcy Garcia, a former buddy in BISIG in the late 80s when I was still a socialist. Then my short reply to him.
-----------

Labor rights, like human rights, is an important concept that has both philosophical, Constitutional and legal basis. But like any other entitlements, rights are always coupled with responsibilities. Otherwise, such rights can be abused.

Every International Labor Day (May 1) each year is marked by rallies and demonstrations by militant labor unions and their allies from various sectors, asking for various demands from the government. Foremost of such demands is an across-the-board hike in minimum wage nationwide.

Normally, such demand should be raised at the negotiating table between a labor union or employees organization, and the management of private enterprises, not in the streets. The people who hired the workers – and turned down other job applicants – are the managers and owners of private enterprises, not the government or media or other NGOs.

Militant workers’ groups though argue that not all workers are organized and have a labor union to represent them in collective bargaining with management. Or they may have one but they are not skilled or trained enough to negotiate fairly with management, so they keep receiving low salaries. Thus, they want the government – via Congress or the Department of Labor -- to issue a law or Administrative Order that will force and coerce private enterprises to raise the minimum wage to a level that is demanded by the militant labor groups. In addition, the articulate labor leaders also want government to mandate and coerce the private employers to give various new or higher allowances and mandatory contributions for the social security of the workers.

These labor groups want rigid labor laws, or inflexible multiple laws that attempt to protect workers against possible "capitalist exploitation". Since workers do not own the means of production but only their labor and talent, and given the difficulty of workers to find a new or alternative job, then they are subject to capitalist exploitation and must be protected by the state.

Among the rigid labor laws that are generally applied in many countries are:

(a) High minimum wage, even the most unskilled workers should receive this salary.
(b) Security of tenure, protection from arbitrary dismissal and lay-off, even if some employees are displaying inefficiency or laziness and declining productivity, or even if the company is losing money.
(c) Long mandatory leaves with pay (vacation leave, maternity leave, sick leave, etc.); private health insurance on top of government-run health insurance.
(d) Higher employers’ contribution on certain government-owned corporations and financial institutions (SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, etc.).
(e) High separation pay and retirement benefits, and so on.

In short, a policy of "expensive to hire and retire, difficult to fire."

These are indeed important and wonderful protection of workers. But those who have no jobs, or those who work in the informal sector, are not covered by these rigid labor laws.

A common result of this situation is high unemployment and underemployment rates. There are several alternatives for some employers, among them:

1. Instead of hiring five workers, a company would just hire one, two or three people, train and equip them so they can do the work of five people.

2. Hire some people on contractual or temporary, short-term (say five months) basis, just a month or few weeks before a period of mandatory regularization of workers. Or hire trainees and part-time students.

3. A company will close its office in a particular city and move to another city, or another country, where the cost of production and labor is lower, all other things being equal.

4. Use robots and machines for certain tasks that were previously done by people.

Many people do not consider this as result of rigid labor laws, but as additional reason to make the laws become even more rigid and more "pro-labor". That is, since unemployment is already high, the more that the government should protect workers from being laid off.

Another impact of "expensive to hire, difficult to fire" policy is that many employees are encouraged to become "employee forever" as their entrepreneurial spirit is discouraged. If the laws are stacked against being an entrepreneur and job creator, and in favor of employees and job seekers, why aspire to be an employer? Why not become an employee forever, get promoted to senior levels and enjoy the benefits of various "pro-labor" policies.

Better yet, become a politician or appointed government bureaucrat, and be the regulator of those businessmen, give them a hard time everything they seek business permit application or renewal, possibly extort some money or personal favour from them before they give their signatures and permission as regulators.

As of the latest labor force survey in the Philippines, January 2012, some 2.9 million Filipinos have no jobs, plus 7.0 million of those who have work are looking for additional work (the “underemployed”), mainly to augment their low income. Meaning almost 10 million Filipinos are either unemployed or underemployed, this is a big number.

Strictly speaking, employment is not a right. It is a privilege. Only those who have some ambition, are willing to endure some hard work, and continue to learn new skills, will be able to find work or be able to employ themselves, mainly as micro- or small entrepreneurs. There are those who do not want to work, or some work little then complain a lot, they later resign or are fired from work. Thus, employment is a privilege, it is not an entitlement or a right.

It is important therefore, for the government, national and local, to liberalize, not choke, the labor environment so that more private entrepreneurship and job creation will be encouraged. While it is desirable to get a high-paying and secure jobs, such may not be easily available, while "low-paying", unsecured jobs may not be glamorous but are easy to find.

The “easy to hire, easy to fire” policy may look heartless, but sometimes it is better in encouraging job creation than the “difficult to hire, difficult to fire” policy. If entrepreneurs will have a hard time firing their lazy and unskilled workers, they would rather hire very few people only and leave many job-seekers to remain unemployed. In a competitive business environment, employers will be forced to give good pay and various benefits to their efficient and hard-working employees so that the latter will not leave them to work in other companies or to become start-up entrepreneurs themselves. And those employees who would otherwise are lazy, will be forced to do their work well so that they will not be fired easily.

Labor laws that workers demand to protect themselves from "capitalist exploitation" will be the same laws that will prevent them and their children from being easily hired someday, or will hound and prevent them to become start up entrepreneurs and job creators someday.

---------

A reaction from a friend, Arcy Garcia:

bro, maganda ang pagtalakay mo sa nasabing isyu. malalim at magandang pagpapatuloy ng ating talakayan tungkol sa mga patakarang pangkabuhayan na angkop sa ating bansa. Ang tingin ko nga, ang 10 milyong unemployed at under employed ay underestimated. sa huling survey na lampas 55% ang nagsabing mahirap sila ay posibleng nangangahulugang halos 30% ng ating labor force ay unemployed o underemployed. alam mo naman ang statistika sa ating bansa.
ngayon, sa mga puntong binanggit mo.

a. una, hinggil sa aking pananaw pangkalahatan sa paggawa:

-proponent ako ng negosasyon sa employers na hindi dapat hinihingi lahat ng unyon ang lahat ng pangangailangan ng manggagawa sa kumpanya. Una, nagbabayad ang bawat manggagawa ng buwis. ikalawa, nagbabayad din ng buwis ang kumpanya. Dapat itong ibalik ng gobyerno sa pamamagitan ng mga serbisyong pampubliko tulad ng affordable education, murang transportasyon, at abot-kayang serbisyo medikal. Dito dapat napupunta ang ating mga buwis. kapag lahat ng ito ay hiningi natin sa employers, sa pamamagitan ng mataas na sahod at maraming benepisyo. ito ang recipe para bumagsak ang anumang kumpanya.

-naghuhulog ng premium ang employers at employee sa mga social protection institusyon tulad ng SS, GSIS,, Philhealth, at Pag-ibig. dapat, ito ang sinisngil ng unyon na gawin itong tunay na magsilbi sa mga miyembro. Problema, ang SSS at GSIS, laging pinagmamalaking ang laki ng pondo nila. Pero ang benepisyo sa kasapi- hindi man lang maramdaman ng kasapian. Dapat piunagtutuunan ng pansin ng mga unyon ang malaking perang ito na sa kanila (at sa employers), upang tunay nilang mapakinabangan;

-walang dahilang magtamad ang sinumang manggagawa. Sa aking mga seminars sa mga unyonista, lagi kong sinasabi na dapat ngang maging huwaran ang mga unyonista sa kasipagan. dapat, makita ng ibang mangaggawa na ang pinakamasisipag na manggagawa sa kanilang pabrika, ay ang mga unyonista.(bagaman tama ka, na sa ngayon, sa ating bansa, ang pagiging unyonista ay nagiging lisensiya na magtamad- kasi, mahirap na silang alisin sa trabaho, kahit pa man magka-kaso, dahil ip[inagtatanggol ng unyon. at pakiramdam ng manggagawa, obligasyon ng unyon na ipagtanggol sila, kahit may mali silang ginawa.).

b. ang gobyerno ang dapat unang sinisisi kung bakit patay ang diwa ng enterprenuership sa ating bansa. Sa dami ng rikisitos, tedious application process, buwis, etc. etc na hinihingi nito sa magsisimula ng negosyo. dapat, sa unang 2 taon, hayaan muna nang malaya ang magsisimula. dapat halos walang sisingiling buwis, kasi nangangapital na nga, paparusahan mo pa! kung walang masyadong gastos sa simula, ang iintindihin lang ng negosyante ay gamit sa negosyo, at pambayad sa manggagawa. at kahit sa simula, hindi dapat na ang huling priority ay manggagawa. kailangang mabuhay ang manggagawa, kahit sa simula. hindi naman pwedeng sabihin sa manggagawa na 'wag munang kumain. pero sa gobyerno, pwedeng sabihin dapat na saka ka na maningil ng buwis, kapag kumikita na. sa totoo, isang dapat i-regulate ng gobyerno, ay ang mga paupa sa pwesto ng mga bagong negosyante, lalo na sa mga malls. sa totoo, ang mga Sy at Ayala ay tumatabo ng kita sa upa- rent seeking kapitalists ang mga yan. isang maliit na 3-4 sq. meters na tindahan sa SM o Ayala malls, magkano ang upa bawat araw? kung maibaba ito, mumura ang pagsisimula ng negosyo. hindi sahod ng manggagawa ang dahilan kung bakit mababa ang enterpreneurial spirit sa bansa. Gobyerno at red tape na may lagay, buwis, at mataas na upa sa puwesto ang salarin!

c. hinggil sa 'yong "expensive to hire, difficult to fire" na patakarang isinusulong ng unyonismo sa bansa.
-may tama (he he) ka!, may punto ka dito. sa huling phrase: sa difficult to fire. pero hindi ako sang-ayon sa "expensive to hire". sa totoo, ilang % ng gastos ng kumpanya ang sahod at benepisyo? Hindi siya ganung kalaki. bak mas malaki pa ginagastos ng Alaska, San Miguel, Ginebra, sa kanilang basketball teams! (bagaman Ginebra pa rin ako!)

-ang plant level negotiation sa bansa ay hindi effective sa karamihan. walang tamang atmosphere ng masinop na negosasyon sa ating kasalukuyang industrial relations. paano kami (unyon) makikipagnegosasyon sa isang kumpanyang ni walang tunay na papeles ng financial statement? Iba ang FS sa BIR, iba ang FS sa Bangko, at iba ang FS sa SEC? pareho parehong hindi totoo ang 3 ito!

-kaya kami nakikipaglaban sa isang legislated wage standardization. minimum! yung kayang magpakain at sumuporta sa pamilya. at alam mo namang ang P426 isang araw ay hindi disenteng kita sa maghapon. may buwis pa yan! pamasahe pa lang malaki na ang mababawas.ang P10k isang buwan ay tingin ko'y sapat- at ang iba ay kunin sa negosasyon. at ang iba, dapat makuha sa mga social protection measures na hindi na mula sa kumpanya. sa lahat ng manggagawa. anuman ang kontrata. sa lahat ng kumpanya. (alam kong sa iba, malit ito. may mga kumpanyang nagpapasahod ng mas mataas. lalo na sa mga auto companies. dahil sa CBA nego. oks lang yun.) pero dapat, may minimum na makatao at disente.

-hindi masama ang mangarap ng "kasiguraduhan sa trabaho" (security of tenure). ang matapang lang na hindi nito mangangailangan ay kaming nagsipagtapos sa Ateneo at ang ilang matatalino at multi-skilled na taong tulad mong mula sa UP! (JOKE!!!!); he he he... kahit anong isipin natin, ang contractual, provisional, agency-based, arrangement sa paggawa ay hindi nagbibigay ng kapayapaan sa sinuman. Sinong ama o ina, ang mapayapang matutulog sa gabi, kung ilang araw na lang ay matatapos na ang kanyang 5 buwang kontrata, at hindi niya alam kung mare-renew pa siya?

ang trabaho ay parehong karapatan at pribilehiyo. resonsibilidad ng giobyerno na lumikha ng trabaho. at tiyaking may trabaho ang lahat. ang sinumang hindi magpahalaga dito ay maiiwan sa kankungan, ngunit ang magpapahalaga dito ay uunlad. sa dulo, ang trabaho ay kapwa layunin at kapamaraanan (means and end). nghunit sa dulo, sa hanapbuhay, dapat nahahanap natin ang buhay. (hindi lang ito pera, kundi kahulugan ng buhay!). maliban sa kumita, ang pagtatrabaho ay tanda ng ating pagmamahal sa buhay. at ng ating pakikiisa sa banal na gawain ng patuloy na paglikha ng unibersong ito.

ito lagi ang aking payo sa mga manggagawa, unyonista man o hindi kapag may pagkakataon akong makapagpahayag sa kanila:

Ò At sinabi ng isang magsasaka, magsalita ka naman sa amin tungkol sa trabaho”, at sinabi niya:

Nagtatrabaho ka upang makasabay sa daigdig at sa kaluluwa nito;

Sapagkat ang magtamad ay maging isang banyaga sa mga panahon, at humiwalay sa prusisyon na nagmamartsa nang marangal at may pagmamalaking tumalima tungo sa kawalanghanggan.

Sa pagtatrabaho, nagiging pluta ka sa mga pusong ang pagtakbo ng oras ay nagiging musika;

Bakit mo pipiliing maging isang damong tahimik at walang alam habang ang lahat ay umaawit nang sabay-sabay?

Lagi, sinasabi ninyo na ang trabaho ay isang sumpa at ang pagod ay malas.

Subalit sinasabi ko na kapag nagtatrabaho ka, sinasakatuparan mo ang bahagi ng pangarap ng daigdig na nakatakda sa’yo nang ipanganak ang pangarap na yaon;

At sa pagbabata, sa totoo, minamahal mo ang buhay,

At ang magmahal sa buhay sa pamamagitan ng pagtatrabaho ay ang maging malapit sa pinakatatagong lihim ng buhay.

At sinasabi ko, na ang buhay ay talagang kadiliman kung walang pagnanais;

At lahat ng pagnanais ay bulag kung walang karunungan;

At lahat ng karunungan ay kapalaluan kung walang gawa;

At lahat ng gawa ay walang saysay kung walang pag-ibig.

At kapag angtatrabaho ka nang may pag-ibig, binibigkis mo ang sarili sa iyong sarili, sa isa’t isa, at sa Diyos.

Madalas kong naririnig na sinasabi ninyo, na parang nananaginip,

“Higit na dakila ang naghuhugis ng marmol , at nakikita niya ang kanyang kaluluwa sa hugis ng bato, kaysa sa nag-aaararo ng lupa.

At higit na dakila ang sinumang nailalapat ang kulay ng bahaghari sa ating mga damit, kaysa sa gumagawa ng panyapak sa ating mga paa.”

Subalit sinasabi ko sa’yo, hindi sa pagtulog, kundi sa tunay na pagkagising na ang hangin ay matamis na nangungusap, di lamang sa mga higanteng puno kundi sa mga pinakamaliit na dahon ng damo.

At ang mas dakila ay yaong nakagagawa ng awit sa tinig ng hangin, na lalong tumatamis dahil sa kanyang pag-ibig.

At ano ang ibig sabihin ng magtrabaho nang may pag-ibig?

Ito ay ang punuin ang lahat ng bagay na iyong nililikha ng hininga ng iyong kaluluwa

At ituring na ang lahat ng mga banal na nangamatay na ay nakatayo’t nagmamasid sa’yo.

Ang trabaho ay pag-ibig na nakikita

At kung di mo kayang magtrabaho nang may pag-ibig,

mas mabuting iwan mo ang trabaho,

at mamalimos na lamang sa mga taong masayang nagtatrabaho.

Sapagkat kapag nagmamasa ka ng tinapay nang walang malay,

hindi nakakatighaw ng gutom ang iyong tinapay.

At kung masama ang loob mo habang nagkakatas ng ubas,

may nahahalong lason sa iyong alak;

At kahit boses anghel ang iyong pag-awit, ngunit walang
pag-ibig,

natatakpan mo ang teynga ng mga tao sa tinig ng araw at ng gabi.

(Kahlil Gibran. 1883-1931. lebanese-american poet, artist,
painter and writer. The Prophet. 1923.)
---------

My reply:

Maraming salamat sa mahaba mong diskurso Arcy.
Ang pinapangarap ko, maging madali ang maging maliit na negosyante, or micro- or small-entrepreneurs. Tulad ng sinabi mo, dapat hindi parurusahan ng gobyerno ng maraming rikisitos at buwis ang nagsisimula pa lang na negosyante.

Kung tingin ng isang manggagawa palagi syang inaapi at sinusweldohan ng maliit kumpara sa nagawa nya, at pag lumipat man sya sa ibang employers ay ganon pa rin, dapat tumayo na sya bilang small entrepreneurs -- magtayo ng bake shop, barber shop, vulcanizing shop, food shop or carinderia, fish ball or barbeque stall, cell phone repair, etc.

Kaya sa title pa lang ng article ko, ni-highlight ko ang "employee forever" na sana ay hindi pangarapin ng maraming empleyado. Kung kaya naman nilang tumayo bilang employer, maski self-employed lang na wala or isang empleyado lang, bakit sila mananatiling employee forever at magrereklamo sa pang-aapi ng employers?

Pero problema nga, ang unang nagpapahirap sa mga gustong maging entrepreneur ay gobyerno mismo. Kung kaya ang dapat hingin ng mga manggagawa ay paano lumuwag ang gobyerno sa katakot-takot na regulasyon at taxation, kesa damihan pa ang regulasyon.
--------

See also:
Labor Econ 1: What Determines Wage? May 26, 2006

No comments:

Post a Comment