Pages

Monday, February 16, 2015

War War is Stupid

Yes. War is stupid. Regardless of the justifications and alibi. War is stupid.

To the advocates of new "All out war" in Muslim Mindanao, other war mongers, may I advice that you try living in conflict areas like Mamasapano in Maguindanao or Basilan so you will see how ugly and brutal endless fighting can be.

Here is one story of an ugly war, happened only last month.

Shortly before the Mamasapano incident happened on January 25, Sarah’s husband, Badrudin Langalen, with his cow in tow, was on his way home from the cornfields to charge his cellphone when the SAF commandos, on the assumption that he was an MILF fighter, captured him.


When the fighting between the MILF and the SAF finally started, with his hands tied behind his back, the helpless Badrudin and his cow got caught in the crossfire.

He was only 21 – too young to die. Dying was probably the last thing on his mind. Death is too much of a punishment for being at the wrong place at the wrong time. In war, rules of engagement protect combatants who are incapable of fighting back. What protection was there for a wandering civilian like him?

Residents in Mamasapano claimed there were arbitrary killings and indiscriminate firing. While the assault teams were fighting the MILF in the fields, other soldiers on standby in communities opened fire, killing innocent civilians....

Today I chanced upon this facebook page of Major Harold Magallanes Cabunoc. The guy makes sense. I am copy-pasting some of his recent postings. To non-Filipino friends, this Filipino soldier is talking about peace and explicitly dislikes war as he has seen firsthand the ugly faces and places of war, Filipinos shooting and killing each other.

February 15, 2015

Sa mga nagbabangayang mga magkakapatid na Muslim at Kristiyano dito sa aking pahina, mas maiging intindihin natin ang kasaysayan ng Pilipinas bago dumating ang mga Kastila para maintindihan mo ang pinagmulan ng ipinaglalaban ng mga kapatid nating Muslim….

Panay gyera ang ginawang solusyon ng gobyerno ng Pilipinas sa mga nakipaglaban para sa kanilang karapatan, kahit noon pang 1970s. Hindi ito natapos at lalong dumami ang nasaktan, at lalong naghihirap ang Muslim Mindanao dahil pati ang maraming namumuno sa kanila ay sarili lang ang pinapayaman, at hinahayaang magiging mangmang at gumagapang sa hirap ang kanilang mga kababayan. Ang kanilang freedom fighters ay tinatawag nating terrorists. (Di ko sinasabing tama ang ginawa sa SAF 44 at pati yong pamumugot ng Abu sa Basilan at Sulu). Lalong dumadami ang radicalized dahil sa kahirapan at kamangmangan. Kung anu-anong armadong grupo ang lumalabas na mandirigma at ang iba sa kanila ay sinasakyan ng mga jihadists kagaya ng Al Qaeda at Jemaah Islamiya. Kapag panay gyera tayo, walang katapusan ang galit at bawian ng kapwa Pilipino. Lahat tayo talunan kapag gagawin nating All out War.

Kawawa ang mas nakararaming sibilyan sa gyera. Saksi ako sa paghihirap nila sa mga evacuation centers. Nakikita ko ang mga nawasak na komunidad at mga duguang mandirigma sa magkabilang panig. Nakikita ko ito dahil kasama ako sa nakikigyera sa kanila sapagkat ito ay aking tungkulin bilang sundalo ng bayan.

Hindi po military solution lamang ang kasagutan kundi negotiated political settement. Dapat matikman ng mga kapatid natin ang kapayapaan at kaunlaran. Hikayatin natin silang talikuran ang karahasan at pakikipagpatayan sa kapwa Pilipino. Hikayatin natin silang huwag kanlungin ang mga terorista at wag gumawa ng terorismo. Hikayatin natin ang sarili nilang mga pinuno na lagyan ng puso ang paninilbihan sa bayan, at patikimin ng taos-pusong serbisyo publiko ang taumbayan. Bombahin ang Muslim Mindanao ng development projects nang magkaroon sila ng oportunidad na makaahon sa kahirapan.

Hikayatin din natin ang lahat na Kristiyano na alamin ang tunay na kasaysayan ng Pilipinas dahil susi ito sa pag-uuwanaan.

Magkaisa tayong lahat na isulong ang kapayapaan at makamit ang hustisya ng lahat na nabiktima ng karahasan.

February 14

Mahirap makipaglaban sa kapwa Pilipino. Ang mandirigmang may puso, nirerespeto ang kaaway na hindi na lumalaban.

Ganito dapat ang ginawa ng mga mandirigmang nakalaban ng bayaning SAF troopers, lalo na at terorista naman ang pakay nila sa kanilang misyon.

Kahit saang anggulo tingnan, mali ang barilin sa ulo ang walang kalaban laban. Ikinagagalit iyon ni Allah (SWT). Sisingilin kayo sa oras ng kanyang paghuhusga.

February 12

Kaming mga sundalo, ayaw namin ng all out war na iminumungkahi ng iilang matatapang nating kababayan.

Bakit? Eh, matagal na nating sinubukan yan laban sa mga rebelde ngunit hindi naman umubra, at napakarami lang namamatay at nagsipaglayasan sa kanilang mga pamayanan. Yong mga namatayan ng tatay at kapatid ay malamang na bumabawi gamit ang karahasan.

Dagdag pa dyan, kaming mga sundalo naman ang unang mapasubo na makipagpatayan sa kapwa Pilipino kung hindi natin pagbigyan ng pagkakataon na magkaroon ang kapayapaan.
------------

My tolerance for war is zero, nada, blanko. More war means more hatred and intolerance, more violence and more government, more bureaucrats and war mongers ordering young people to shoot and kill other young people. More taxes and borrowings to finance endless fighting and destruction of properties.

For free marketers who advocate war, I question your belief in individual freedom. Why would you support further expansion of already BIG governments, to abdicate the use of reason and embrace more fighting and coercion?
------------

See also: 
MILF, Fallen 44 and Rule of Law, February 01, 2015 

No comments:

Post a Comment