Dahil tinuruan niya ako ng…
AGRONOMY. “Kada butil ng bigas kinakain mo pinagtrabahuhan ng tatay mo. Ubusin mo.”
ANATOMY: “Mata ang ginagamit sa paghahanap, hindi bibig.”
ASTRONOMY: “Para kang nasa buwan kung maglakad. Bilisan mo.”
BIOLOGY: “Manang mana ka sa tatay mong unggoy.”
CHEMISTRY: "Pag inuna mo lakwatsa kesa pag-aaral, maghalo ang balat sa tinalupan."
DEMOGRAPHY: "Pag sumama ka sa nobyo mong pangit, dadami ang matsing sa mundo."
ECONOMICS: “Limited supply yan litson baboy, share mo sa kapatid mo at good shot ka sa akin."
ELECTRONICS: “You’re grounded. Hindi ka aalis ng bahay.”
HISTORY: "Noong bata ako, piso lang ang baon ko. Maswerte ka pa nga.”
HORTICULTURE: "Pag bumagsak ka sa exam mo, magtatanim ka ng kamote."
HYPNOSIS: “Makuha ka sa isang tingin!”
KINETICS: "Pag tumakbo ka at naabutan kita, malilintikan ka."
ORTHOPEDIC: "Pag nahulog ka dyan at nabali paa mo, pipilayan kita."
PENOLOGY: “Kung ayaw mo sumunod, bahala ka sa buhay mo.”
PHILOSOPHY: “Ano? Bakit di ka makasagot?" Tapos kapag sumagot ka, “At natututo ka ng sumagot?”
POLITICAL SCIENCE: "Kaya ganyan kasi sinabi ko."
PHYSICS OF MOTION: “Papunta ka pa lang pabalik na ako.”
THEOLOGY: “Pag inuna mo magnobyo kesa pag-aaral, magdasal ka na.”
ZOOLOGY: "Pag hindi ka pa umakyat sa kama mo, matutulog ka katabi aso, pusa at ipis.
-----------
See also:
Weekend Fun 80, Political jokes for 2022 elections, October 10, 2021
Weekend Fun 81, Sic o'clock News - Rewind, January 15, 2022
Weekend Fun 82, Bawal Party, BBM supporters, May 08, 2022.
No comments:
Post a Comment