Saturday, April 27, 2013

Labor Econ 11: Employees Forever vs. Entrepreneurship

Whenever I hear or read labor organizers and leaders complaining of how much businessmen and capitalism are "exploiting" and persecuting workers, I would reply that no one is putting a gun on their heads so that they will become employees and workers forever. There is always a way out, like becoming a micro entrepreneur -- have a stall or shop and sell anything that he/she likes, goods or services; drive a taxi or jeepney and own his time. Be a farmer (vegetables, fruits, chicken, goats, etc.) and grow food and sell the extra. The options are many.


Last Tuesday, April 23, 2013, I have another discourse with a socialist friend, Arcy Garcia, in his facebook wall. Arcy is a friend way back in the 80s when I myself was a socialist too. Copy-pasting our entire, raw exchanges. Posting with his permission.
----------

nagpapatawa si herrera. alam niya pala na ang dahilan kung bakit hindi pumupunta rito at nag-iinvest ang mga negosyante ay dahil sa mataas na presyo ng kuryente, corruption, etc. ngunit ang mensahe niya sa manggagawa ngayong Mayo Uno ay: tumanggap tayo ng mababang sahod...basta pumunta lang ang nagosyante sa atin. kapag kumikita na, saka tayo himingi ng taas ng sahod! nagpapatawa...

Nonoy Oplas Ang mga manggagawa ba, dapat habang buhay nakatunganga manghingi ng trabaho, tapos manghingi ng mataas na sweldo, sa malalaking kapitalista? Bakit maraming tao na dating mahirap at hindi ganito ang pag iisip. Nagtayo ng sariling negosyo, maski tindero/ra sa palengke, tricycle driver, waiter, at sa sipat at tyaga, umunlad ang buhay?

Arcy Garcia bro., kapag may magtatayo ng negosyo, dapat, isa-alangalang niya na kaya niyang pasahurin nang makatao ang bawat manggagawa. 2 lang naman ang options bro: kapag manggagawa- kunin sa sahod lahat ng pangangailangan niya, o magtulungan ang negosyante atgobyerno upang tiyaking kayang paaralin , damitan, at paglaruin ang pamilya ng isnag manggagawa. sa ngayon, ang manggagawang sasahod ng minimum wage- walang maasahan sa gobyerno sa transport, edukasyon, medical services (dahil privatized na lahat ) kasama ng kuryente, tubig, etc. etc. paano mabubuhay ang mga 'yan? kung ang usapin ay magnegosyo- nagkalat na yan bro- pati nga mga barker, 3-3 sa bawat terminal...hindi tamad at nakatunganga ang mahihirap. pero ano ang napala nila?

Arcy Garcia trabaho ng gibyerno na atuusin ang bansa niya upang may tamang kapaligiran sa pagnenegosyo- upang lumihkha ng trabaho- hindi yan ginagawa ng ating pamahalaan; ang option mo- kapitalismo! nasaan? wala ngang investors dito. ang mga investors na pumupunta rito, ang alam lang yata, kumita, kahit patayin ang mga manggagawa at sirain ang kapaligiran- basta kumita lang sila- habang pinarurusahan sila ng gobyerno sa buwis at mga walang katapusang red tape.

Nonoy Oplas dictatorship pala ang gusto mo Arcy. Didiktahan ng gobyerno mga negosyante, malaki or maliit, kung magkano sweldo (wage control), magkano presyo (price control), magkano upa (rent control), magkano pamasahe (fare control). Kahit ano basta command and control. Saka mahirap yan puro expectations from the outside like govt. More expectations, more disappointment. Mabuti pa yong mga maliit na negosyante na dating ordinaryong trabahador lang, umunlad ang buhay.

May kakilala ako, 2nd yr HS lang natapos. Naging kargador, nagtitinda ng panggatong, tapos naging trabahador sa construction. Sa sipag at tyaga, naging medium size na negosyante na, glass fabrication and supply, madami sya trabahador, inaalagaan nya. Ayaw lang nya ini-english sya kasi nga di sya nagtapos man lang ng HS. Siguro kung ordinaryong trabahador lang sya, hanggang ngayon nagra rallly at nagmumura lang ng kapitalismo ito, sa halip na maging maliit na kapitalista mismo.

Arcy Garcia hindi bro. hindi dictatorship. may buwis- dapat inuuna ng gobyerno ang medical services, education at mobility (hindi lang para sa manggagawa kundi para sa negosyo rin...moving supplies and products); sa akin, ang mga CBA na nakatuon lang sa taas ng sahod ay mali. kasi hindi dapat obligasyon ng kumpnya na buhayin ang buong pamilya ng manggagawa- nagbabayad sila ng buwis (ang kumpanya); kaya dapat magkatulong sila na buhayin ang mga pamilya...pero hindi rin katwiran ng negosyo na kahit ano pwede nilang gawin- may responsibilidad sila. ang economy, dapat nasa ilalim ng ecology- hindi baligtad.

oks yung halimbawa mo.. may sister-inl law rin ako ngayon na nagnegosyo, nagsimula sa pakilo-kilong manok- ngayon- malinaw na siya ang may pera sa kanilang magkakapatid- pero hindi yan para s alahat. ang marami- ang mas mayorya- trabaho ang kailangan..

Nonoy Oplas Yes, entrepreneurship and risk taking is not for everyone. Pag negosyante ka, iisipin mo lahat: (a) government (national and local) regulations, taxes, fees and penalties, (b) suppliers who can provide good quality products and services at a good price, reliable supply when needed, (c) consumers who can leave you and stop patronizing you anytime, (d) competitors who will outdo your product quality and/or pricing, (e) overhead costs like office rental, electricity and water, (f) labor who may be good or bad, honest or thieves, obedient or militant, (g) mandatory social contributions like SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, HMO, etc., (h) other external factors.

Pag worker ka, isa lang isipin mo, yong inutos sa yo ng boss mo, di mo iisipin suppliers, customers, competitors, govt bureaucrats, politicians, Meralco, etc.

Arcy Garcia tama. kaya nga oks lang sa akin na sahod lang ang tatanggapin ng isnag manggagawa. alam kong mas maraming iniisip ang may ari-o kapitalista, maliit man o malaki. naraansan ko yan sa mga solo-parents na on-organize namin noon. maliwanag na may ilan lang na may kapasidad na magnegosyo. may grupo nga nagsabi sa amin na ang gusto lang nila ay magtrabaho. may sahod araw-araw. loans kasi mula sa isang seed fund yung nasa ngo namin.

Nonoy Oplas Isa ko pang friend, may ari ng Pan de Pidro. Dating aktibista din sa UP, palaging nasa kalsada. kulang na lang mamundok. Naging empleyado, sumubok mag negosyo sa palaisdaan, umunlad tapos nalugi. Sumubok sa consulting, umunlad nalugi. Sumubok sa PR andlobbying, umunlad lumubog. Huling subok sa paggawa ng tinapay, saka umunlad. Puro trial and error. Ang mahina ang puso at dibdib, malulugi, at bumalik bilang empleyado. Kaya pag job creator na, wag naman sisihin at i-demonize ng kung ano ano. Subukan nyo maging job creator para makita nyo.

Arcy Garcia kaya oks lang sa akin na mas malaki ang take home pay ng manager, o ng may ari o ng kapitalista. At hindi ko dinedemonize ang enterpreneur. pero kailangang mabuhay nang wasto ang lahat. hindi lang yung may ari.

sa mga unions, ang lagi kong paalala kapag may CBA nego- huwag hingin lahat sa economic provisions nyo sa kumpanya. yan ang recipe for bankruptcy. ang gobyerno may obligasyon sa inyong buhayin din kayo- singilin ang locakl government sa mga services (educ, medical services, etc)- na mula sa buwis ng mga tao at ng mga korporasyon sa lugar...

 may nakita akong CSR summit- diyan ako hindi bilib. yung panglagay nila sa CSR, idagdag na lang nila sa sahod ng mga manggagawa- mas magging mabuti pa ang image nila... pambobola lang ang CSR...
---------

See also:
Labor Econ 8: SWS on Unemployment Survey, June 08, 2012

1 comment:

Anonymous said...

sana turuan ng gobyerno ang mga small entrepinoy sa probinsya ng "correct accounting and taxation" ... kasi ang mga "bir examiner" ang gumagawa nito para sa kanila pero may "bayad"... tulong ba ito o kotong?... wala kasi silang magagawa kasi, kung sa manila naman a-attend ng "bookkeeping and taxation seminars"... medyo malaki magagastos.